hainaku >_<!-- < -->
Mga nakakabuset na pangyayari sa nakaraang dalawang araw...
June 19,2008
Dko trip ang food... sabaw lang ang kinain ko... allergic na ako ngayon sa shrimp kaya d ako kumain
Umaambon, pagdating ko sa Jollibee, shet, ulan to the highest level, nabasa ang damit ko at sapatos ko, buti nagjacket ako, no choice, kelangan kong tumuloy... ayoko maghawak ng ganun kalaking halaga... sa pagkabasa ng sapatos ko parang nafeel kong may tubig tubig pa sa loob... shet... bawal naman kasi magtsinelas sa school noh? tsaka nahihiya akong ipakita ang aking mga kukong unano at deads :))
Pagdating ko sa KAPLAN, wala pala akong 1x1 na id at naisulat ko sa date ata june 20 amf...
Binigyan nila ako ng isang box ng reviewers and stuff, shet at wala pang binigay na supot madami pa akong lalakarin
Pagkalabas ko, natiyempuhan ko ang buraot na taxi nagpadagdag ng 30 php kasi traffic daw... eh d oo naman ako
pagdating ko dun, nagpapadagdag ng bayad ang school ginawa lahat ng course description, sabi ko majors lang... >_<
Nagpunta pa tuloy ako ng accounting office buhat lahat lahat...
June 20, 2008
Nakakabuset... alas 8 na ako ng umaga natulog kasi gumawa ako ng banner sa multiply site ko, dko naman maayos ayos ang layout... shet... ayan tuloy sabog yang layout
Alas 4 na ako nagising... hindi ko na napanood yung gameknb? waaa
Sumakay kami ni Hesterita sa Jimenez papuntang Philcoa, amf umikot, hindi nagPhilcoa
Nangalam ang sikmura namin nung dumaan kami ng Yellow Cab, ayun napagastos >_< naubos namin ang isang pizza... shet lamon lang ng lamon
wala na akong pera... matatagalan ang pagbili ko ng headset... bumili kasi ako ng payong at kung ano anong anik anik
pumunta kami ng east ave medical center para bigyan ng food si Dra. Pinky inutusan kaming pumunta ng store para bumili ng mentos... pota... naramdaman ko may gumagalang espiritu... mabigat na pakiramdam na wari moy nakadagan sa iyo, tapos mejo may mainit na feeling na dmo maexplain, sinabi ko kay hes, kinilabutan cya... morgue pala dun sa bandang dulo...
naalala ko tuloy yung isang nurse sa st. lukes na nagpasama kasi takot daw siya, sabi ko naman "Wala naman akong nararamdaman ah." Sagot niya, "bastos ka wag mo na akong samahan next time." =)) Dapat daw hindi na lang ako nagsalita...
kulang pa to... tinatamad nga ako eh... ilang oras ko ginawa tong post na to... hahaha
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home