*EDITED* I love advil... I am a blogger with depreciating english skills... *EDIT EDIT* I am an IELTS passer *ehem ehem* totally one liner... An employed registered nurse graduate from Trinity. An agency manager of an insurance agency... A USRN with a nursing job... :D Money Maker, Advil Addict

Wednesday, October 03, 2007

bitterness

juice ko... bitterness itetch... hahaha

kumusta naman ang gumawa nito.. nakita ko lang sa friendster...

anonymous ang gumawa at mukahng andaming hinanakit sa buhay...

well well well... masisisi ba natin siya?

anyway... ang masasabi ko lang... tigilan na yan... nars na nga kau.. nakapagoath na at lahat lahat... tama na yan...

magdasal ka na lang ha ne?

para maayos ang lagay ng bawat Centenniales at hindi magkaroon ng mga incident reports noh?

:D dmo na kailangan magpakabitter kasi nars ka na, wala ka ng kailangang iprove unless na lang gusto mo mag top sa CG at NCLEX :D bwahaha

anyway, kidding aside. :D magdasal ka na lang tsong..

Maraming taon na ang nakalipas.
Marami ng pagsubok na siyang maaring
nagpatata g.
Maaaring nagbigay-aral, nagpalago sa
isipan, at nagbigay inspirasyon.
Sa mga taong 'yun lumago ang aming mga
pag-iisip.
Nasubok ang kakayahan sa lahat ng
bagay.
Nala man ang aming bawat kakahayahan.
Napa malas ang pambihirang kalakasan.

Ma rami na ang pagsubok na nagdaan.
Panlalai t sa amin ng dapat sana'y
pinakamata as sa sarili naming lipunan.
Pambabab a ng mga inakalang
tagapag bigay-aral.
Panla lait ng mga taong akala mo'y
walang pagkukulang.
Masa kit ang aming loob, oo, masama,
may natatagong galit.
May isipang nanghihimagsik,
n agtatanong, nagagalit.
Kung bakit ba may mga ganung tao...
tanong na lamang ito.

Sabi nung isa'y bobo daw kami sa
Ingles.
Sab i naman nami'y hindi doon yan
masusukat.
Sa simpleng, "yun bang salitang ito
alam niyo?"
Ikaw ba kahit minsan nalaman mo ang
ibig sabihin ng salitang "respeto"?
Pagpap asensiya aming iniisip sa yabang
na naipamalas.
Nguni t napagnilayan naming hindi siya
ang dahilan.
Hindi siya ang dapat purihin sa
tagumpay na aming nakamit.

Ang iba'y nagsabing hindi daw namin
kakayanin ang pumasa man lang.
Sabi pa'y.. "Kinakabahan ako para sa
kanila".
Ab a'y tao po, sino ka ba?
Bakit ka nagsasalita ng ganyan.
Hindi ikaw ang dahilan.
Ni hindi ikaw ang nagbigay ng aming
kalakasan.< br>Kung wala kang masabing maganda,
manahimi k ka na lang.

Maramin g masasakit na salita aming
narinig.
Kinurot ang puso, binaba ang pagkatao.
May mga taong kunwari'y kakampi.
May mga tao namang harap-harapang
ka pal ng mukha ipinapakita.
Hind i naman porke't kayo ang mataas,
mababa na kami.
Tandaan: Isinasalamin namin kayo.
Kung ano kami, epekto ng naipakita
niyo.
Ngunit may mga bagay din naman na
maganda.
Ma y mga taong nagbigay halaga.
Mga tunay na kakampi, nanatili.
Hanggan g sa huli'y, sila lang ang may
karapatang makipagpunyagi.
S alamat na lang din sa lahat.
Sabi nga namin, epekto kami ng
naipakita niyo.
Kung ano naituro, 'yun ang bunga.

Siguro ngayon ang mga tao'y nag-iisip.
Bakit pagkatapos ng lahat, ito ang
salita nila?
Nasaktan lang kami, personalan na kasi.
Natawag kaming pasaway, natawag kaming
walang talino.
Masakit sa amin 'yun, naitanim,
nagbung a, nabulok.
Dahil masusukat lamang ang mga bagay..
Kung kelan kagipitan sa aming buhay ay
naranasan.

Hindi namin gustong ipagmalaki kung
ano man meron kami.
Hindi namin inisip na ipamukha ang
tagumpay na nakamit.
Hindi namin ipinapakita na nagyayabang
kami.
Sa amin lang, 'wag kayong magbalat
kayo ngayon.
Hindi kayo, hindi kailanman naging
kayo.
A t hindi magiging kayo ang dapat
magpunyagi.
Ang dating kasi, pagdating
samin, "kinailangan" niyo lang magturo.

Wala ng utang na loob ang siguro'y isa
niyo pang iniisip.
Hindi ganun, hindi kami ganun.
Pasasalama t, mula sa aming mga puso’t
naturuan niyo kami.
Ngunit hindi 'yun maitatago ng inyong
panlalait.
Salamat sa mga bagay na alam namin
ngayon.
At higit sa lahat, salamat sa
pagpapatatag sa amin.
Ngunit anupama't sinira rin agad ng
mapanghusgang isipan.

Inaam in naman namin, pasaway kami noon.
Matigas ang ulo, mahirap turuan.
Ngunit kahit minsan ba'y naisip ninyo?
Na ang anak nagrerebelde lang kung
pasaway din ang magulang?
At sabi nga'y pag nanlalait ka ng tao.
Isang daliri, nakaturo sa kanila,
tatlo nakaturo sa'yo.
Ang galing sobra, palakpakan kayo!

Sabihin na lang natin na nilalabas
lang namin ngayon.
Sakit sa likod ng ngiti namin na kayo
ang dahilan.
Noon akala niyo'y perpekto kayo kung
magsalita.Ngayon nakikisali kayo, sa saya na
aming nadarama.
Pasensi ya na kayo, hindi lang namin
tanggap.
Wag nang magplastikan, pero ano pa
man, sanayan lang yan.
Hindi niyo naman gagawin yan, kung
kami'y puro nagbagsakan.

Nasabi na namin ang mga dapat sabihin.
Nasa kanila na ngayon kung ano man ang
dapat nilang gawin.
Propesyona l naman na sila sa tingin
namin.
Pinagmamalaki pa nilang maka-Diyos,
asan? Ikahiya sana ng budhi.
Hindi naman namin gustong kayong
labanan.Ipinapaliwanag lang namin ang bigat na
pasan.
Para ang damdamin nami'y sana naman
gumaan.

Quadrivium, Extremadamiente,
Centenniales.. ano pa man..
Iisa lang ang aming pinaniniwalaan.
N a kami ay matatag sa kahit anong
problemang dumaan...
Imposib le para sa amin, ay wala lang.
Tamis ng tagumpay aming ipinagbubunyi.
Pa ra sa mga taong mahal namin, dahilan
ng aming mga ngiti.
At siyempre salamat sa Diyos, tunay
naming kakampi!

- anonymous

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home