huwat?!? 275 php isang venti mocha frappe sa starbucks?!?
Pumunta ako sa aking eskwelahan kaninang alas nuebe ng umaga upang mag-fill up ng alumni chuvaness. Usapan namin nina Hesterita at Danix ay alas nuebe pero as usual late na naman. Herher... gumising kasi ako ng 8:15, agad agad kong tinext si Danica at Hester. Bihis na daw si Danix at si Hesterita naman ay nagtatanong ng susuotin. Aba bagong buhay, maaga si Danix, ako'y agad agad naligo at nagbihis. SNA shirt daw kasi nga gagamitin ang batch shirt sa Friday para sa thanksgiving mass. Nagmadali ako sapagkat ayoko namang mahuli sa aming usapan. Tinext ko agad sila na sa Jollibee magkikita-kita para naman hindi mukhang kawawa ang sino mang mauna sa amin sa school. Sabi ni Danix, nasa daan na siya, malamang mas mabilis siya kesa sa akin, ang layo ko kaya. Pagkarating ko sa Jollibee, nakita ko ang isa sa mga estudyante kong Magis na under sa akin sa Maternity Unit sa San Lukas, binati ako ng congratulations. Nagpasalamat ako at ako'y napaisip. Ano nga ulit pangalan nung batang iyon. Ay ewan basta alam ko siya pinakamatalino sa grupo nila tapos siya highest sa quiz na binigay ko. Ayun, balik tayo sa kwento, sabi kasi Jollibee, nagassume ako na nandoon na si Danix pero hindi nagrereply amfufu. Pumasok ako, sabi ko sa sarili ko, malabo na ba talaga ang mata ko at hindi ko makita si Danix? Wala sa baba, amfufu. Pumunta ako sa taas, siyet hindi ko makita, hindi rin niya sinasagot ang aking mga tawag. Naparanoid na ako at kung ano-ano na naisip ko. Naisip ko nga, baka naman namatay si Danix at mga huling araw na niya sa mundo kaya siya napatxt kahapon.
*FYI: after ng board exams hindi na ng board exams hindi na nagparamdam si Danica, ever. Ni text o tawag wala as in NADA. Itext mo hindi nagrereply, tawagan mo hindi sinasagot. Noong June 26 at 27 lang siya nagtxt*
Ayun, nagpapanic na ako, kaboom, nakita ko ang babaeng nakablack na mahaba ang buhok. Amfufu, kadadating lang pala niya. Nauna pa ako, pagkatapos noon ay pumunta na kami sa tapat ng school, across the street . Tinext ko na si Hesterita na sa school na lang magkikita, ngunit feeling ko nadelay ang mensahe at inabutan pa namin siyang tumatawid. Dumiretso kami sa gate at sa kabutihang palad, hindi chineck ang aming ID, feeling ko kilala na kami ng guard o d kaya nakita niyang nakasuot kami ng lumang SNA shirt kaya hindi kami sinita. Noong naglalakad kami sa covered walk, hinarang kami ng mga nagbibigay ng sample ng CLEAR shampoo. Kinuha na lang namin para walang away. Parang nahihiya ako noong naglalakad kami doon kasi halatang graduates na kami at Centenniales pa. Amfufu... pinagtitinginan kami... Dumiretso kami sa may registrar kasi hindi pa nakukuha ni Danica yung diploma niya. Pasaway talaga, noon lang daw siya lumabas. Amfufu... Pagkatapos pumunta kami ng alumni office, tinanong kami kung graduates kami ng 2k7 nursing at kung pumasa kami. Sabi naman namin, hello; may hiya ba kaming magpapakita sa school pag hindi kami pumasa. Haller talaga... pagkatapos pirmahan ang mga kailangan pirmahan, pumunta kami sa office para kunin ang BLS ID ni Danix, tapos tinanong pa ulit kami kung pumasa kami, pasaway. Inulit namin ang aming sagot, at ayun nakuntento sila. Noong nasa loob kami, nakita namin si sir tolits pero hindi kami nakita. Pagkalabas namin nakita namin si Sir Arvin. Ayun, nagdire-diretso ulit kami na parang walang nakita kasi pinagtitinginan na naman kami ng mga lower batches. Amfufu tumatahimik sila ngayon pag dumadaan kami eh dati naman inaaway pa kami at ikinocompare sa batch nila... Aigoo mga paksyet kayo, ano masasabi niyo?! Amfufu... :D
Pumunta kami sa Waltermart kasi magpapapicture ako para sa passport ko. Nagpunta kami ng CR kasi nagpalit ako ng damit, kelangan ko ng may collar na damit para sa passport. Inayos ko din ang magulo kong buhok at pagkatapos, binigay namin yung regalo namin kay Danix. Birthday ni Danix sa Saturday, September 1, 2007 :D wahahaha.
Nagpapicture na ako at pagkatapos, tumingin tingin kami ng mga telepono, dvd player, mp3 player habang nagaantay. Kaboom, tumunog ang tiyan ko at nagcocomplain, hindi kasi ako kumain kaya un, nanlibre na lang ako ng mga halo-halong balls. Kikiam balls, shrimp balls, squid balls at mini squid balls pati na din iced tea kasi naman sinamahan nila ako doon. Nahiya naman ako db?
Umuwi na ako pagkatapos kasi tatawag daw si mama at magpapasa pa ako ng passport, yun pala binigyan niya lang ako ng mga things to do, sana hindi na lang muna ako umuwi, nagyayaya pa naman si Hesterita na pumunta ng Cubao para bumili ng DVD. Ayun pagkapasa ng requirements sa pinsan ko, dumiretso ako sa kuwarto, may balak naman akong kumain kaso, inaantok na ako. Tumawag ako kay Hesterita at yinaya ko siyang lumabas. Tinext ko din si Danica pero lalabas daw cla ng mama niya. Aww talaga... Si Hester naman gaya ko, antok. Sabi niya tulog daw muna kami at saka na lang kami lalabas pagkagising. Nakatulog na ako agad at gumising ako ng 4. Saktong sakto, nagtext naman etong si Hes, ayun tinawagan ko tapos 5 nga, magkikita sa Kamuning para mas malapit sa sakayan ng north edsa. Nandoon na ako ng 5:10, kamalas malasan, hindi makakuha ng sasakyan papuntang Kamuning si Hes dahil punuan lahat. Nagtaxi pa siya papunta doon. Mga bandang 5:30 na kami nagkita sa may tapat ng Mercury sa Kamuning. Sumakay kami ng jeep na papuntang Pantranco at bumaba kami sa bandang Delta, umakyat kami ng overpass para makapunta sa kabilang street upang doon sumakay ng jeep. Pagkasakay sa jeep, ako ay nag nasal flaring gaya ng bata dahil sa masangsang na amoy. Agad agad kong pinigilan ang aking hininga para hindi ko na maamoy ang nakakasusungasong na amoy na iyon. Amfufu. Nagpound ang aking temporal area at nakaramdam ako ng badyang pananakit ng aking ulo. Siyet magkakaroon na naman ako ng migraine sabi ko sa sarili ko. Matibay si Hes, hindi siya nagtakip, instead dinivert ang kanyang attention at humarap sa bintana ng jeep para maamoy ang pulusyon kesa sa body odor ng kasama namin sa jeep. Amfufu, biglang may nagtanong sa drayber, "Ma, hindi ba ito papuntang fairview?" sabi ng mamang may matinding BO. Sabi ng drayber na papunta ngang Project 6 yung jeep at north edsa. Ayos na ayos, ako'y natuwa at bumaba ang mama. Pagkababa niya ay huminga ako ng malalim. Wala na ang amoy. Salamat. Ako'y naawa sa katabi niyang mama din kasi tinaas pa niya ang kanyang kili kili sa tabi nito. Ewwwness talaga... amfufu...
Pagkarating namin doon, bigla kong naramdaman ang hypoglycemia, shucks malapit na akong manginig at lahat-lahat. Hindi pa pala nakawithdraw si Hesterita ng pera kaya pumunta muna kami ng Metrobank sa may side ng SM. Ayun, pagkatapos, dumiretso kami ng Comic Alley kasi pinapalit ni Hes ang disc 10 ng Witch Hunter Robin niya. Sa kasawiang palad, hindi gumagana ang DVD player nila doon at kinailangan niyang bumalik ulit kung sakaling may sira na naman ito. Dumaan kami sa Dipping Dots kasi bibili daw siya. Hindi ko lubos maisip paano kakainin ang mga bilog bilog na iyon. Akala ko parang pinipig yung texture., hindi pala. Ignorante talaga. Amfufu... Pagkatapos noon ay pumunta kami sa El Polo Loco Para kumain. Gutom na gutom na ako. Naghati kami sa isang meal at kumain. Nagkwentuhan kami ng kung ano -ano. Kung kasama ko yung babaeng iyon, laging pagkain nasa isip namin, hahaha :D
Pagkatapos dun, pumunta kami ng comic alley at binili niya yung Cheeky Angel. Tagal na niyang balak bumili nung anime na yon. Pinipilit nga niya ako pero ayaw ko. Ang mahal kasi, 400+, hindi kaya ng powers ko. Hehehehe.
Pagkatapos doon ay pumunta kami ng department store. Gusto kong bumili ng bra at panty na magkapares. Ayun, wala lang naman. Wala kasi akong ganoon. Hehehe. Bumili ako nung bench. basta 400+ ok na rin. may 10% discount kasi. Nagtagal kami dun kasi naglolokohan kami sa mga bra at panty. May nakita kasi kami na panay lace lang. Sabi ko nga, nagpanty ka pa. Hahahahaha.
Dumaan kami sa mga damit. Natuwa naman ako sa isang damit. Geo-type nga tawag namin kasi mahilig s Geo sa damit na kung makita mo aakalain mo dalawang magkapatong, iyon pala ay iisa lang siya. Balak ko ngang bilhin yun. Ang cute kasi. Mahal nga lang 500+ pero ok na kung tutuusin.
Actually angmain purpose ko ng pagpunta sa North Edsa ay uminom ng kape, kaya yun na ang himuli namin. Pumunta kami sa Starbucks at nagorder ako ng kape. Ako'y lubos na nagulat ng hiningi sa akin ang bill sa aking mocha frappe kanina sa starbucks. Amfufu... alam kong matagal na akong hindi umiinom ng kape pero hindi ko lubos akalain ang aking narinig. Kaboom, pagkakita ko sa bill dalawa ang nakalagay na kape. Kaya pala... Amfufu naman kasi yung barista... hindi man lang ako tinanong... isang venti lang po ang order ko... 200 na lamang pera ko kanina buti na lamang at kasama ko c Hesterita at to the rescue naman siya sa pagbibigay ng 100. Hindi nga dapat siya iinom ng kape, ngunit sa kasawiang palad, napainom ko din siya. Buti na lamang at grande ang isang na-order at hindi ganoon kalaki katulad ng akin na venti.
Sobrang tawang tawa kami kasi hindi man lang kami ng nagtanong, binayaran agad namin yung kape at saka lang narealize ang katangahan noong nakita na namin ang dalawang kape. Hehehe. Naglakad na kami pauwi at magjijeep sana kami papuntang Delta kaso sabi ni Hes, hindi ba parang tatanga tanga na naman tayo pag magjijeep tayo? Oo nga naman sabagay, san ka nga ba nakakita ng may dala dalang Starbucks at nakajeep? Hahahaha. Kaya linibre na ako ni Hes sa taxi. Bumaba ako sa bandang Delta, doon ako sumakay ng jeep pauwi. Umandar na ang jeep at biglang tumigil sa may sikat na gimikan, may sumakay na mama, siguro mga ka-age ko. Tapos bigla na lamang tumawa nung makita ang hawak hawak kong kape. Amfufu, nakakatawa nga... kaboom... hindi ko na lang pinansin... hahaha... bakit ba, at least may kape ako, siya wala... :P
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home