dudong
kanina ko pa sana naipost ko kaya lamang nawawala-wala ang wifi na ninanakaw ko sa kapitbahay... hindi ko nga alam bat nakakaconnect eh.... pero masaya na rin... wahahahaha
ayan... ififeature ko lang ang paborito kong stuff toy... sa title pa lang alam niyo na ang kanyang pangalan... kriminal na kriminal yung dating noh? wala lang... hahaha katripan lang...
si dudong ay una kong nasilayan sa Princess Lulu na ipinapalabas sa ABS CBN. Isa itong Koreanovela FYI... siya ang security blanket ni Lulu.
Natuwa ako kasi ang laki ng tiyan niya...
Nakita ko siya sa SM Manila noong bandang February, pagkatapos ng Valentines...
Pinakita ko kasi sa mga dbarkads ko sa Trinity dati ang picture ni Dudong at nagkataong naglalakwatsa si Danica sa SM Manila at bigla akong tinext. Nahanap na daw niya si Dudong. Pinicturan nga niya ito. ayun natuwa ako... nung nabakante kami, sinamahan ako ni Danica na bilhin si Dudong kaya lamang, wala na siya sa pwesto kung san siya nakita. Ayun nagwala ako at kinulit ko ang mga saleslady. Nasa Toy Kingdom daw yung mga stuff toys.
Ayun, pinuntahan namin. May dalawang Dudong na natitira, isang maliit na 200 at isang mas malaki na 270. Parang tanga yung nagpresyo, ang liit nung 200 tos ang laki ng 270... ay ewan, kinuha ko yung mas malaki malamang.
Ayun, natuwa naman ako kasi nabili ko na siya...
Actually inaarbor siya ng kapatid ko kasi makulit itsura... hindi ko naman pinapamigay kasi hindi na ako makahanap ng gaya niya.
Kung mabibilhan niya ako ng actual size (L) nung katulad kay Lulu, cge papayag akong ibigay. pero in the mean time, akin lang si Dudong.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home